September 3rd, 2004

MGA LINYANG PAMATAY (sa isang tulad ko)

Mula nung nagpapagamot ako, marami na akong nakasalamuhang tao.. iba-iba sila.. iba-iba na rin ang nasabi nila na sobra akong natawa..lolz

1. "first time mo ba mag pa opera? (opo..) ay first time ko din e.."-surgeon
-kung kelan na hiwa na nya ang leeg ko saka nya cnabeng first time na nya.. waaaaaaaaaaaaaaahh!!!

2. "syet anu yan?!! bat nde natin nakita agad yan? (habang nakitingin sa xray ko..)" - doctor
-nakakatakot na reaction ha (kala ko mamamatay na ako nun..).. nagtanong pa sya kung bakit eh nun ko lang naman ibinigay ung xray na un sa kanya.. wakakaka

3. "san napunta ung buhok mo?"
-hmm baka naglayas nde nag paalam sa akin..

4. "bat ang saya mo? ung iba kasing ganyan malungkot lagi.."
-anong klaseng tanong un? ayaw nya akong makitang masaya ha..

5. "may suklay ka ba?"
-nilolo ko mo ba ako? kalbo ako..

6. "may pang tali ka ba jan ng buhok?"
-tlgang pinag iinit mo bumbunan ko noh..

7. "ang kyut ng sumbrero na ito.. gsto mo tirintasin natin buhok mo.. bagay dito.."
-isa pa.. naku po! gigilitan na kita!!!

8. "aktibista ka ba? o may ipinoprotesta ka? bat ka nagpakalbo?"
-amp.. no comment..

9. "sinong gumamit ng suklay ko?!? bakit puro himulmol at buhok?(sabay tingin sa akin) wag ka mag alala nde kita pagbibintangan noh.."
-waaaaaaahahahhahaa.. nde lang alam ng ate ko ako tlga
gumamit nun.. ginamit ko sa wig ko =P

10. "spell IT"
-habang nag aantay kami ng resulta ng biopsy.. sabe ko sa nanay ko.. "Anong gagawin natin pagsinabe na nya ung sakit ko?" sabe ni momi "Ano nga ba?".. "ano ho un doc? can u Spell IT.. kapag ini spell nya ung sakit ko sasabhin ko mali.. IT.. it! " (ang korni ko talaga, pero mahirap magpatawa ng taong sobrang nagaalala sau haaaaa)

Currently listening to: Asereje by Las Ketchup
Posted by schizophrenic_ at 12:25 AM as a stickied, favorite post | 6 says its reallly

November 23rd, 2004

gastos nanaman!!!!

May lakad ako ng 8.. nagising ako ng 6..

nde naman ako excited eh.. malamang takot.. matagltagal na rin ako nde nakukunan ng dugo..

Sked ko ngaun para pa bloodtest for CBC and Creatinine.. CBC para malaman kung ok pa ba ako for monitoring sa cancer ko.. Creatinine para sa CTScan ko sa Friday, para din mai check kung wala na ba talaga after the radiotheraphy..

Kakatuwa.. kilala na kasi ako dun sa Alviar.. kung sana ko madalas magpabloodtest.. ngaun lagi na silang naka smile.. kasi noon parang nde sila maka smile kpag ako kinukunan nila ng dugo.. malamang natakot noon mukha siguro kasi akong goon sa penikula dun sa suot kong sumbrero (pics @ my funny mommy blog..)

Tapos.. nagpaduplicate ako ng susi.. grabeh ha ang tagal ni manong.. panay reklamo pa sa dala naming susi.. (sa huli nung tinesting namen.. PALPAK! galeng mo manong!! balik mo 45 pesos namin!)

Ililibre ko sana mommy ko sa Wendys.. kasi naman dinadala nya ako sa turo turo.. nde naman sa maarte ako.. ayaw ko dun sa tinuro nya kasi madaming langaw.. buti na lang nung huli nakita nya ung isang batalliong langaw a pumayag na sa iba na kami kumain..

Nung papalapit na kami sa Wendys.. sabay liko sya sa isang canteen.. (nanay ko tlga iwas gastos ililibre ko naman eh..) buti mas malinis sya dun sa nauna.. ayun dun sya masaya.. sa madaming ulam.. maraming tinda.. ung ituturo mo na lang tapos i seserve na sau.. edi un kumain kami.. solb solb nabusog! (197 lang nagstos ko.. sulit dba)

(GALLSTONES... mga bato sa gallbladder.. bagong isyu toh!!!)

Eto ang pinaka ayaw kong gastos ngaun..

ung ibinayad kong 500 pesos para sa consulta sa doctor.. lets call him DR KA-CHING! (ka-ching.. dba parang cash reg.. ung tanggap lang ng tanggap ng pera..)

Ganito kasi iniimagine ko pagpunta ko sa PGH.. marahil libre ung consultation.. kasi ganun ung unang doc ko.. Call na lang natin syang Dr Generous, sya ung doctor ko sa radiotheraphy.. nung unang consulta ko sa kanya.. libre.. nagbayad na lang ako nung nagplanning na kami.. eh ung bagong doctor ko.. 500 pesos agad..

Nde naman sa pagkukuripot.. kaya ako nag rereklamo eh.. ang masaklap lang kasi.. WALANG KA KWENTA KWENTA ung consultation namin sa kanya.. nakakainis pa syang sumagot.. parang kailangan lumebel ka sa katalinuhan nya o magmukha ka tlgang tanga at maniwala ka na lang sa kanya.. pakshet ang feeling huh!

pagpasok namin..

$_$ - *texting*(kulang na lang iignore kami)
>.< - *intay*
$_$ - yes? ahuh andito na mga rec.. ok.. nsan na ung mag ultrasounds mo?
>.< - *abot ultrasound results*
$_$ - how come may ultrasounds ka na? sumasakit na ba?
>.< - piankuaha po yan before and after my chemotherapy..
$_$ - aaah.. only thing we can do about that is OPERAHAN..
>.< *shocked* wala na po bang iba? baka pwede pong idaan sa gamot.. kasi may nakapagsabi baka pede po sa gamot..
$_$ - *sarcastic tone* Ha? walang gamot.. kailangan opera.. cnong nagsabe? malamang nde doctor ang nagsabe nyan..
>.< - wala na po bang ibang option?
$_$ - kung doc tatanungin mo.. aantayin namin sumakit yan bago tanggalin..
>.< - ahh.. err ganun po ba?.. magkano naman po kaya aabutin?
$_$ - forty thousand.. *nagkukuwenta sa hangin*
>.< - ho? fourteen? 1 - 4?
$_$ - Forty - Fifthy THOUSAND(with FEELINGS).. 4-0 or 5-0
>.< - *supershocked*
$_$ - un lang option mo..
>.< - *nagaantay ng iba pang sasabihin*
$_$ - *abot calling card* cge pag isipan mo..
>.< - ok po.. umm.. may babayaran po ba?
$_$ - secretary ko na lang po..

secretary - 500 pesos lang po..

pakshet 500 pesos para san? para sa calling card at sa pagbanggit lang sa akin kung magkano?

pag uwi.. eto nagbabasa ako ngaun about gallstones.. ang daming alternative medicines.. grabeh.. un nga lang.. may side effects.. best way nga eh ung open surgery.. pero.. pakshet tlga.. nde man lang nya inexplain.. edi sana.. nag internet na lang ako.. nde na ako nagpaconsulta sa kanya.. edi may 500 pa ulit kami..

bakla kasi eh.. nde man lang nag explain kung ano un o san nagmula.. isa lang masasabe ko.. pera lang isip nya.. la sya pakialam sa patients nya.. nakakainis noh?
Posted by schizophrenic_ at 01:17 PM | 1 says its reallly

November 11th, 2004

AMP!

amp.. minsan lang ako mag tabulas and hulaan mo kung bakit?..






Nawala lahat ng contacts ko sa phone!!


pakshet na MMC yan!

finormat ko lang ung MMC hala damay pati fone ko..






NAG SYSTEM ERROR!!!!

as in nde ko sha magamit.. nde ko rin maayos..

nsde na nga ako makakain sa kaba eh.. mangiyakngiyak na rin ako..

buti na lang mabait pa rin si LORD naayos ko na sha.. thank u LORD! mwah mwah mwah!!! 100Mx

salamat na rin at marunong akong mag internet at nahanap ko ang mga kasagutan.. hayzz

help please!!! PM nyo sa akin sa YM ung mga numbers nyoooo!!! un lang.. YM: lost_enchanting_nightingale
Currently listening to: MIserable - Lit
Currently feeling: nothing
Posted by schizophrenic_ at 06:31 PM | 1 says its reallly

September 21st, 2004

koments op da dey

monday nanaman.. balik ospital nanaman everyday..


sa araw-araw na pagsakay ng FX papunta sa Perpetual.. nde pedeng nde ko maririnig ang kantang "The Reason" ng Hoobastank.. fave ko un.. pero habang tumatagal malapit na ako magsawa.. lolz.

pero kanina nakakatawa.. nag comment ba naman ung sa radio after patugtugin ung song.. biglang sinabeng..
MISS MO NA SYA NOH??? KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN?

hahaha.. amp! sarap ng pagmumuni-muni ko tapos ganun pa sinabe.. wahahahah..



pagdating namin sa ospital nakita ko ulit ung kasabay ko sa planning ung naka-wheelchair.. mas ok na sya ngaun kaysa nung una ko syang makita..mas nakakangiti na sya ngaun.. buti naman ahihihi.. nung umaga nakaramadam ako ng pagkatamad pumunta sa ospital.. pero nung nalaman kong ung kasabay ko na un eh araw-araw na nanggagaling pang batangas.. amp swerte pa pala ako.. bat ako tatamarin.. dba?

kanina nakausap ko ung palagi nyang kasama na matandang babae.. nde ko sure kung kaanu-ano nya un.. kinamusta nya ako.. tapos kwentuhan sandali.. at cnabe nyang..

KAYA MO YAN.. MUKHA NAMAN WALA KA NERBYOS SA KATAWAN EH..

hmm sa isip-isip ko.. naubos na yata lahat eh.. naoperahan na ako.. nakaraos na sa 6 session ng chemo.. nde mabilang na bloodtest at kung anu ano pang injection.. napaghubad na rin ako ng nde oras sa harap ng ibang tao.. ewan ko na lang kung may nerbyos pa ako sa katawan.. lol



sa room ng linear accelerator.. pagkatapos ng theraphy.. ask ako nung isang staff..

NAGLOOSE KA NA BA NG WEIGHT?

huwaaaaaaaaaaaaaa.. totoo ba un.. nakakapayat ba ung therapy ko.. wahahaha.. yey.. sabe nila dati sa chemo papayat ako.. eh amp.. lalu ako tumaba.. lol.. sabagay ngaun nahihirapan ako kumain.. at wala akong gana.. yey papayat na ako!!! lolz




nung paalis na kami sa ospital.. nakasabay at nakausap namin ung isa pang staff.. natutuwa sya sa height ko..
sabe nya..

ANG TANGKAD MO TALAGA.. SANA GANYAN DIN HEIGHT KO NOH.. TUMATALON NAMAN AKO PAG BAGONG TAON..

heheh.. sabe ng nanay ko..

"dapat nagpapabuhat ka pag bagong taon para ka lumaki, hehhe.. ok lang yan.. mukha ka namang baby.."

hehe mana nga ako sa nanay ko.. bolera!
Currently listening to: The Reason by Hoobastank
Currently feeling: amused
Posted by schizophrenic_ at 02:16 AM | Is it that bad??

September 20th, 2004

funny mommy

isa sa mga pinasasalamatan ko kay GOD ay ang pagbigay sa akin ng talagang nakakaaliw ng mga magulang.. namana ko ung kababawan ko sa kanila.. ung kailangan masaya ka kahit anu mangyari.. maging masaya kung anu meron ka..

nung isang araw ospital.. dahil sa last nanaman kami sa listahan.. naglibang kami ng nanay ko.. eto tignan mo ang bunga nun



lakas trip eh noh.. kaya lab ko magulang ko eh.. kasundo ko sila.. malakas mantrip.. ahehehe..

amp mukha pa rin akong maysakit.. panget ko amp.. mukhang lalaki.. paggaling ko papaganda ako.. waheheh..

eto favorite kong sinabe ng mami ko nung araw na un..

"tama na anak.. baka maubos.."

eh 3660 gamit ko nun.. lolzzzzzzz

lab u mami!!! susunod naman si dadi.. mmwahahahaha
Currently listening to: Goodies
Currently feeling: happy
Posted by schizophrenic_ at 01:18 AM | 7 says its reallly
« Newer | »